Walang tutulong sa Pilipino, kundi ang kapwa Pilipino

Blog

Categories

 

Archive

 

Team Legacy sa Distrito Sais

Pinaramdam ng ating mga kababayan sa Distrito Sais kagabi ang malaking lamang na nakuha ng Tambalang ERAP-AMADO sa kakalabas lang na survey.

Tulad sa karamihan, mas matimbang sa Brgy. 601 at 602, Sta. Mesa ang karanasan at kredibilidad ng Team Legacy! Maraming salamat po!

Labels: Blog

Team Legacy sa Distrito Kwatro

Taos-pusong nagpapasalamat ang Tambalang ERAP-AMADO at ang buong ticket ng Team Legacy sa Distrito Kwatro na pinangungunahan ni Congressman Edward Maceda sa mga taga-Brgy. 537, Sampaloc, Manila!

Habang palapit nang palapit ang araw ng halalan, kitang-kita na parami nang parami ang sumusuporta at naniniwala sa kakayahan at mga plano na alay ni Mayor Erap at Vice Mayor Amado para sa bawat Manilenyo!

Labels: Blog

Pagtulong ni Manila Mayor Estrada

Itaas natin ang diskurso ng ating pangangampanya. Ilatag ang plataporma at laging unahin ang kagustuhan at pangangailangan ng sambayanan.

Labels: Blog

Manila Muslim Solidarity Movement

Buong pusong nangako ng suporta sa Team Legacy sa pangunguna ni Mayor Erap at Vice Mayor Amado Bagatsing ang mga kapatid nating Manilenyong Muslim.

Matatandaang noong panahon ni Mayor Erap ay naging adhikain niyang magkaroon ng kapayapaan sa buong Mindanao at gawing “food basket” ang rehiyon.

Nilabanan niya ang mga rebeldeng nagdudulot ng takot sa mga Mindanaoan na nawawalan ng tirahan at hanapbuhay dahil sa gulo. Maraming rebelde ang nagbalik loob sa pamahalaan kaya naman nagkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa buong Mindanao noong panahong iyon.

‘Yan si Mayor Erap, walang pinipiling kulay, lahi at relihiyon. Para sa kanya, pantay-pantay ang lahat – Kristiyano, Muslim o Lumad ay may karapatan na mabuhay ng marangal at mapayapa. Kaya sa ating mga kapatid na Muslim, As-salamu Alaykum!

Labels: Blog

Team Legacy at Distrito Kuwatro, Nag-Rock N’ Roll sa Sampaloc

Labels: Blog